Hinimok ng US congressional commission ang mga American basketball stars na tigilan na ang mga pag-eendorso nito sa mga Chinese sportswear firms na gumagamit ng cotton na pinatutubo sa Xinjian region dahil sa alegasyon ng forced labor.
Sa sulat na ipinadala sa National Basketball Players Association, ay sinabi ng chairs ng bipartisan Congressional-Executive Commission on China na mahigit isang dosenang NBA players ang pumirma sa kasunduan kasama ang China-based ANTA, Li-Ning at Peak sportswear firms bago ang publication ng Western media articles na nagsasabi na gumagamit ang mga kompanya ng Xinjiang cotton.
Naniniwala ang US lawmakers na ang commercial relationships kasama ang mga kompanya na gumagamit ng cotton sa Xinjiang ay gumagawa ng reputational risks para sa NBA players at sa mismong liga.
Ipinunto rin nito na naditermina ng gobyerno ng U.S. na gumagawa ng genocide at crimes against humanity ang Chinese government sa Xinjiang.
Umaasa naman ang US Congress na matutulungan ng NBPA ang mga miyembro nito na malaman ang tungkol sa nagpapatuloy na genocide sa Xinjiang at ang papel ng forced labor sa produksyon ng mga produkto na gawa ng mga brands na ineendorso ng mga basketbolista.
Base sa ilang mga ulat mula pa noong 2018 ay isinasailalim umano ng Xinjiang ang minority Muslims nito sa forced labor, na masusuportahan umano ng credible evidence.
Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa madamong bahagi ng Barangay Bucal, Sariaya,…
Inaresto ng Quezon City Police District ang isang nagpakilalang fencing coach matapos ireklamo ng pangmomolestiya…
Sinunog ng mga operatiba ang aabot sa P800-milyong halaga ng tuyo at tanim na marijuana…
Hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa International Criminal Court Ito…
Hinirang na pinakamagaling na chess player sa buong mundo sa girls under 12 years old…
Nilinaw ng aktor at TV host na si Dingdong Dantes na walang katotohanan ang kumakalat…