US drone pinabagsak ng fighter jet ng Russia sa Black Sea

Bumagsak sa Black Sea ang unmanned aircraft o drone ng US matapos na maka-engkwentro ang fighter jet ng Russia.

Dahil dito, naniniwala ang ilang eksperto na puwedeng tumaas ang peligro na magkaroon ng direktang komprontasyon sa pagitan ng Russia at America dahil sa Ukraine war.

Ayon sa US military, nasa routine mission sa international airspace nang tinangka itong harangin ng dalawang Russian jets.

Sa kabilang bansa, nanindigan naman ang Russia na nag-crash ang drone matapos ang biglaan nitong “manoeuvre” kasabay ng pagtanggi na mayroong direktang contact ang dalawa nilang fighter jets.

Iginiit din ng Russian defence ministry na ang MQ-9 Reaper drone ay lumilipad nang naka-off ang transponders nito.

Ang transponders ay communications devices na paraan para ma-tracked ang aircraft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *