US envoy, bukas sa dialogue sa pagbubukas ng EDCA sites sa PH

Bukas sa isang dialogue si United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa mga gobernador na nababahala tungkol sa pagbubukas ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa Pilipinas.

Ito ang tugon ni Ambassador Carlson sa isang panayam,  sa pangamba ni Cagayan Governor Manuel Mamba kung saan kabilang ang kanyang lalawigan sa napili bilang sa isa mga bagong EDCA sites.

Paliwanag ni Carlson, walang dapat ipag-alala ang opisyal dahil layunin naman aniya ng EDCA na mapabuti pa ang military facilities sa bansa.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na nakipag-ugnayan na siya sa mga local government units  na nagpahayag ng pagkabahala sa EDCA expansion para ipaliwanag kung paano ito makikinabang sa kanilang mga lalawigan.

Ang mga bagong EDCA sites na nauna nang tinukoy ng pamahalaan ay nasa Balabac Island sa Palawan at sa Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; at Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *