US House Speaker Pelosi, itinuloy ang pagbisita sa Taiwan

Dumating ng Taiwan si US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi para sa isang trip na sinabi nitong intensyon para ihayag ang pakikiisa ng American sa Chinese-claimed island.

Si Pelosi at ang kanyang delegasyon ay bumaba mula sa US Air Force transport plan sa Songshan Airport sa downtown Taipei at binati ni Taiwan’s foreign minister, Joseph Wu at Sandra Oudkirk, ang top US representative sa Taiwan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pelosi na ang pagbisita ng kanilang congressional delegation sa Taiwan ay bilang pagkilala sa hindi matatawarang commitment ng America sa pagsuporta sa malakas na demokrasya ng Taiwan.

Giit nito, na ang pakikiisa ng Amerika sa 23 million people ng Taiwan ay pinakamahalaga ngayon, higit kailanman, sa gitna na nahaharap ang mundo sa pagpipilian sa pagitan ng autocracy at democracy.

Samantala, makikita rin sa pinailawang Taiwan’s tallest building na Taipei 101, ang mensahe na “Welcome to Taiwan”, “Speaker Pelosi”, “Taiwan (heart) USA”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *