US inihahanda na ang sanctions laban sa military government ng Myanmar

Kinumpirma ng Biden administration ang mas maraming sanctions laban sa military government ng Myanmar.

Kasunod ito ng pagsasagawa ng violent crackdown sa mga pro-democracy protesters at ilang key figures.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na tulad ng inihayag ni US President Joe Biden, tuloy ang pagpapanagot nila sa mga responsable sa kudeta na sumiklab sa Myanmar noong Pebrero.

Ayon sa report, labing-anim ang napangalanan sa sanctions kung saan kabilang ang 13 individuals na mga key members ng Burma military regime.

Kaugnay nito, kinumpirma ng US treasury na bilang sanction, blocked na ang mga ito at ang kanilang mga pag-aari sa America.

Ang bagong sanction ay ikato nang set ng mga sanctions na ipinataw ng Biden administration laban sa Myanmar sa nakalipas na mga buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *