US,magbibigay ng $1.85 bilyon bilang karagdagang tulong militar sa bansang Ukraine

Magbibigay ng $1.85 bilyon ang US bilang karagdagang tulong militar para sa Ukraine, kabilang ang paglipat ng Patriot Air Defense System.

Ito ansinabi ni President Joe Biden at Secretary of State Antony Blinken.

Ang anunsyo ay dumating matapos magtungo sa White House si Ukrainian President Volodymyr Zelensky para makasalamuha si President  Biden at humarap sa Kongreso sa kanyang unang  paglalakbay sa ibang bansa mula nang salakayin ng Russia ang Ukraine 300 araw na ang nakakaraan.

Kasama sa tulong ang isang $1 bilyong drawdown upang mabigyan ang Ukraine ng “pinalawak na air defense at precision-strike capabilities” at $850 milyon na security assistance.

Sinabi ni Zelensky  na ang pangako ng U.S. na magbibigay ng Patriot surface-to-air missile defense system ay isang mahalagang hakbang sa paglikha ng isang epektibong air shield sa kanilang bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *