US, magbibigay ng $85 million aid package sa Turkey at Syria

Inanunsyo ng US na magbibigay sila ng paunang $85 million aid package sa Turkey at Syria upang matulungan ang dalawang bansa na makabangon mula sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol noong Lunes.

Ang anunsyo ng US ay matapos ang naging paguusap sa pagitan nina US Secretary of State Anthony Blinken ay Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu.

Ayon sa US Agency for International Development, ang pondo ay mapupunta sa kanilang mga partners sa ground upang maghatid ng agarang tulong sa milyun-milyong tao kabilang ang pagbibigay ng pagkain, tirahan at emergency health services.

Susuportahan din ng pondo ang pagkakaroon ng ligtas na inuming tubig at sanitation upang maiwasan ang posibleng outbreak ng nakakahawang sakit.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *