US, magpapadala ng $325 million bilang military aid sa Ukraine

Magpapadala ng humigit-kumulang $325 million ang US bilang karagdagang military aid sa Ukraine.

Ayon sa Pentagon, kabilang military aid ang malaking bilang ng artillery ammunition habang papalapit ang spring offensive laban sa Russian forces.

Tumangging sabihin ng US ang eksaktong dami ng mga ammunitions na ipapadala sa Ukraine ngunit ang latests packages ay kabibilangan ng mga rockets para sa High Mobility Artillery Rocket Systems o HIMARS at mga howitzer pati na rin ang anti-tank ammunition.

Ang bagong anunsyong tulong ng US ay dumating bago ang isasagawang pulong ng defense at military leader sa Germany mula sa higit 50 bansa upang talakayin ang ibibigay na tulong at seguridad sa Ukraine.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *