US, mamumuhunan ng 50 milyong dolyar para i-expose ang regime ni Kim Jong Un sa mga North Koreans

Mamumuhunan ng $50 milyon ang US sa susunod na limang taon upang i-expose ang regime ni Kim Jong Un ng North Korea.

Bilang bahagi ng isang mas malawak na annual defense spending package, nilagdaan ni US President Joe Biden ang Otto Warmbier Countering North Korean Censorship and Surveillance Act bilang batas noong huling bahagi ng Disyembre.

Ipinangalan ito sa isang US student na inaresto sa Pyongyang noong 2016 dahil sa kasong subversion at sinentensiyahan ng 15 taon na pagkakulong dahil sa pagnanakaw ng poster.Nakalabas ang estudyante noong June 2017 na nasa vegetative state. Ang 22-anyos na si Warmbier ay namatay sa isang ospital sa Ohio makalipas ang anim na araw.

Sa ilalim ng batas, ipapalabas ang mga pondo sa US Agency for Global Media na nagsisilbing promotional organization sa gobyerno ng US. Nagbo-broadcast at nagpapalaganap ito ng mga impormasyon sa buong mundo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *