US may libreng beer sa mga magpapabakuna vs COVID-19

“Get a shot, have a beer”. Ito ngayon ang bagong estratehiya ni US President Joe Biden upang mahikayat ang kanyang mga mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

Inanunsyo ito ni Biden sa kanyang talumpati bilang bahagi ng kampanya na mabakunahan ang 70 porsiyento ng populasyon sa Estados Unidos pagsapit ng Hulyo 4 kasabay ng pagdiriwang ng kanilang Independence Day. 

“It’s going to take everyone, so we can declare independence from Covid-19 and free ourselves from the grip it has held over our life for the better part of a year”, ani Biden.

Kaugnay nito ay nakipag-ugnayan na ang White House sa malalaking beer brewer tulad ng Anheuser-Busch para maisakatuparan ang planong ito.

Nagkakaroon na rin ng information campaign hinggil dito pati na sa Black Community.

Maliban dito, may kanya-kanyang pakulo na rin ang ilang estado sa pamamagitan ng lotteries sa mga magpapabakuna.

Kasabay din ng nationwide campaign na ito ay ang libreng sakay sa mga magtutungo sa mga vaccination centers sa pamamagitan ngna Uber at Lyft.

Mayroon ding mga child care providers para sa mga batang maiiwan habang nagpapabakuna ang kanilang mga magulang. || Shiela Madrigalejos 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *