US nangangamba sa pagkalat ng COVID-19 alpha variant

Umapela sa publiko si US National Institute of Allergy and Infectious Diseases Director Dr. Anthony Fauci na magpabakuna kontra COVID-19 lalo ngayong napatunayang mahigit 6% ng mga sequenced viruses sa US ang B.1.617.2 o Delta variant na unang natukoy sa India.

Ang Delta variant ay posibleng maiugnay sa pagtaas ng disease severity na magreresulta sa hospitalization risk kumpara sa Alpha variant.

Sinabi ni Fauci na posibleng magbigay ng malaking problema sa America ang variant spread tulad nang nangyari sa United Kingdom na unang tinamaan ng Alpha variant na B.1.1..

Nanindigan si Fauci na hindi nila dapat payagan na mangyari ito sa America.

Nilinaw ni Fauci na wala pang booster vaccine trial na nakatutok sa Delta variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *