US pinagbagsak ang bagong mystery object sa Canada

Pinabagsak ng US fighter jet ang bagong mystery object sa Canada, ang pangalawang insidente sa himpapawid ng North America mula nang pabagsakin ang isang pinaghihinalaang Chinese spy balloon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau, pinalipad ang US F-22 para pabagsakin ang mysterious object.

Ayon kay Canada’s defense minister Anita Anand, ang pinagbagsak na bagay
ay maliit at may cylindrical na hugis.

Ang bagay umano ay lumipad nang humigit-kumulang 40,000 feet at isang paglabag sa pagpasok sa Canadian airspace matapos magdulot ng banta sa kaligtasan ng civilian flight.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *