Hindi pa rin nagbabago ang pananaw ni US President Joe Biden na ang Pangulo ng Tsina na si Xi Jinping ay isang diktador.
Ayon kay Biden, si Xi ay isang diktador na siyang nagpapatakbo ng isang bansang komunista – isang uri ng pamahalaan na iba kumpara sa Estados Unidos.
Bilang tugon, mahigpit na tinutulan ng China ang pahayag na diktador ang kanilang Pangulo nang hindi binabanggit ang pangalan ni Biden.
Ayon kay Foreign ministry spokesperson Mao Ning, lubhang mali at iresponsable ang pahayag na ito dahil posibleng magdulot ng manipulasyon sa pulitika.
Giit ni Mao, tiyak na mabibigo ang mga taong may lihim na motibo para buwagin ang relasyon sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos.