US VP Harris, makikipagpulong kina PBBM at VP Duterte ngayong araw

Ngayong tanghali ay ikakasa na ang pagpupulong sa pagitan nina US Vice President Kamala Harris at Pangulong Bongbong Marcos.

Nakatakdang magsaawa ng arrival honors ang Malacañang para sa courtesy kall ng US official sa ating Pangulo.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin ay ang mga umiiral na 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA, pati na rin ang iba pang mga cooperation concerns sa pagitan ng dalawang bansa.

Pag-uusapan din ang iba pang mga pakikipag-tulungan sa larangan ng pagpapalakas ng digital economy, at food security.

Matatandaaang kagabi nang lumapag ang eroplanong sinakyan ni Harris sa Pilipinas, matapos ang pagdalo niya sa APEC Summit sa Thailand.

Bukas, nakatakda rin itong bumisita sa Palawan – ang teritoryo ng Pilipinas na pinakamalapit sa pinag-aagwang West Philippine Sea.

Si Harris ang itinuturing na pinaka-mataas na US Official na buimisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Bago si Harris, una nang pumunta ng bansa sina US Secretary of State Antony Blinken, Deputy state secretary Wendy Sherman, at Second Gentleman Douglas Emhoff.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *