US VP Harris, VP Duterte tinalakay ang edukasyon, seguridad at trabaho

Tinalakay sa pagitan nina United States Vice President Kamala Harris at Vice President Sara Duterte sa isang bilateral talks ang tungkol sa edukasyon, seguridad, at trabaho, ayon sa Office of the Vice President (OVP).

Sa pulong ng mga bise presidente, sinabi ni Duterte na tinalakay doon ang institutionalization ng blended learning modality sa bansa.

Tinukoy din ni Duterte ang masamang epekto ng COVID-19 pandemic sa edukasyon na binibigyang-diin ang hirap sa pag-aaral na naranasan partikular ng mga mas batang estudyante.

Sinabi ng OVP na sinabi ni Harris kay Duterte na humanga siya sa kaniyang trabaho at responsibilidad bilang Education secretary at pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Nag-usap din sina Harris at Duterte tungkol sa paglikha ng trabaho sa pamamagitan ng mga training programs, kung saan binanggit ni Duterte ang pagpapatupad ng K-12 program.

Sinabi niya na ang national government ay nakikipagtulungan sa Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) sa pskilss training para sa mga mag-aaral sa senior high school.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *