US VP Kamala Harris, nakatakdang makipagpulong kina Marcos, Duterte sa bansa

Kasado na ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Pilpinas mula November 20 hanggang 22.

Sa isang background briefer, sinabing nakatakdang lumapag si Harris sa bansa sa gabi ng November 20 matapos nitong dumalo sa APEC Summit sa Thailand.

Inaasahan naman ang magkahiwalay na meeting ng US Official kasama si Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Ilan sa mga posibleng talakayin ay ang pagpapatibay sa defense cooperation at alyansa ng Pilipinas at Amerika.

Nakatakda rin ang pagpunta ni Harris sa Palawan – isang hakbang na pinaniniwalaang sisimbolo sa commitment ng Estados Unidos na tumalima sa rulling sa South China Sea.

Dito ay makakapulong ng US Vice President ang mga tropa ng Philippine Coast Guard, ilang mga residente sa Puerto Princesa, at ilang mga civil society leaders.

Naka-schedule din ang isang ‘town hall’ conversation’ ni Harris kasama ang mga kabataang Pilipina para sa paksang women empowerment.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *