USL, 1st university sa Region 2 na pinayagan ng CHED para sa limited face-to-face class

Binigyan ng Certificate of Authority mula Commission on Higher Education ang University of Saint Louis-Tuguegarao City upang magbukas at magsagawa ng limited face-to-face class para sa mga health-related courses.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang naturang face-to-face class ay limitado lamang para sa klase ng mga mag-aaral sa kolehiyo na may kursong BS in Nursing at BS in Medical Technology/ Medical Laboratory Science programs.

Ang USL ang kauna-unahang Higher Education Institution o HEI sa Region 2 na binigyan ng CHED ng CA. Epektibo ang pagbubukas ng unibersidad sa short term 2021 na magtatagal hanggang sa first semester ng Academic Year 2021-2022.

Ibinigay ng CHED ang naturang CA sa USL matapos makumpleto at nasunod nito ang requirements na hinihingi ng ahensya at DOH sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2021-001.

Maari namang mabawi ang sertipikasyon ng unibersidad kung hindi nito mamimintina ang mga patakaran at regulasyon sa ilalim ng nasabing joint memorandum circular.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *