Utang ng bansa, lumobo na sa P12.79 Trillion

Naitala sa panibagong record high ang outstanding debt o utang ng Pilipinas na pumalo sa P12.79 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo ngayong taon.

Sa datos ng Bureau of Treasury, umabot sa P296.06 billion ang itinaas pa ng utang ng gobyerno.

Katumbas ito ng 2.4 percent ng utang panloob at panlabas mula sa tinatawag na total debt stock.

Sa nasabing halaga ng utang, 68.5 percent dito ay domestic habang 31.5 percent naman ang external debt.

Mababatid na sa pagtatapos ng buwan ng Abril ay pumalo nasa P12.68 trillion na ang utang ng Pilipinas.

Malaking halaga sa nasabing utang na ito ng ay nagmula pa rin sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Mababatid na bilyong piso ang inutang ng gobyerno na ginamit pantugon sa COVID-19 pandemic.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.