Utang ng PH, lalo pang lomobo sa record-high na P13.64T as of end-October

Lalo pang lomobo ang utang ng Pilipinas sa bagong record high as of end-October ngayong taon, sa gitna ng patuloy na pangungutang ng bansa, para suportahan ang kanilang fiscal requirements.

Batay sa Bureau of the Treasury (BTr), lumalabas na ang outstanding debt ng bansa ay nasa P13.64 trillion, na mataas ng 0.92% o P123.92 billion mula sa katapusan ng September level na P13.517 trillion.

Ayon sa Treasury, na ang month-on-month growth sa debt pile ay dahil umano sa net availment ng parehong local at external loans.

Mababatid na simula noong katapusan ng December 2021, ang running debt stock ay tumaas sa P1.91 trillion o 16.31%.

Samantala, ang total debt stock as of end-October ngayong taon, ay karamiha’y binubuo ng local borrowings sa 68.58%, habang ang natitirang 31.42% ay kinuha, externally. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *