Vaccinated individuals na contact ng COVID-cases, required pa rin mag-isolate sa bagong alert level system

Kakailanganin pa rin ng mga bakunadong indibidwal na naging close contacts ng COVID-19 patients na tapusin ang 14-day quarantine base sa bagong guidelines para sa alert level systems ng gobyerno.

Inilabas ang dokumento para sa Guidelines on the Pilot Implementation of Alert Level Systems for COVID-19 Response in the National Capital Region nitong Lunes bilang bagong classification framework na inaasahang kokontrol sa paglaganap ng COVID-19 at ng mga variants nito.

Simula sa Sepatember 16, ay maga-assign na ang Department of Health ng alert levels sa bawat pilot area, na gagawin linggo-linggo para sa buong panahon ng pilot implementation.

Kakailanganin ng local government units na magsumite araw-araw ng kanilang sariling Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) data na idi-determina ng National Government Agencies base sa template na ibibigay ng IATF Sub-Technical Working Group on Data Analytics.

Patuloy naman ipatutupad ang minimum health standards sa lahat ng oras ng implementasyon ng alert level systems.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *