Vaccination coverage para sa mga batang edad 5- 11 sa Camarines Norte nasa 22. 7 percent pa lang

CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang vaccination coverage sa mga batang edad 5- 11 sa lalawigan ng Camarines Norte mag- iisang taon mula nang simulan ang pagbabakuna sa naturang age group.

Sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang noong Biyernes, Pebrero 10, 2023 umaabot pa lang sa 15, 541 ang nababakunahan sa target na 68, 347 o 22. 7 percent.

Sa labing dalawang bayan, ang Capalonga pa lang ang nakalagpas sa kalahati ng kanilang target.

Sa target na 3, 775 nasa 2, 107 o 55. 8 percent na ang nakatanggap ng bakuna.

Ang Mercedes naman ay nakapagbakuna ng 2, 472 o 41. 5 percent ng target na  5, 956 habang ang Basud ay mayroong nabakunahan na 1, 725 o 35. 9 percent ng kanilang target na 4, 805

Nakapagtala naman ng 34. 3 percent ang San Vicente, 28. 7 percent ang Talisay at 28. 6 percent ang San Lorenzo Ruiz.

Ang kabiserang bayan ng Daet na may pinakamaraming dapat mabakunahan ay nasa 22. 3 percent pa lang.

Target ng naturang bayan na mabakunahan ang nasa 12, 282 mga bata edad 5- 11 pero 2, 107 pa lang ang nababakunahan.

Ang nalalabi pang mga bayan tulad ng Jose Panganiban ay mayroon lang 14. 3 percent, Labo 13. 1 percent, Sta Elena 10. 3 percent at Paracale 9. 3 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *