Vaccination roll out sa anim na mga bayan sa Aklan, umarangkada na

Umarangkada na ang vaccination roll out para sa mga frontline healthcare workers sa anim na bayan sa lalawigan ng Aklan.

Kinabibilangan ito ng mga nakapasok sa Group A1 galing sa mga bayan ng Tangalan, Balete, New Washington, Kalibo, Nabas at Buruanga kung saan nakatanggap ang mga ito ng kanilang 1st dose ng Sinovac vaccine.

Inaasahan naman na darating pa sa susunod na mga araw ang dagdag na bakuna para naman sa mga residente. Samantala, para naman sa mga senior citizen o ang mga nasa ilalim ng Group A2 na gustong magparehistro ay dapat na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga LGUโ€™s.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *