Vaccination roll – out sa bayan ng Donsol, nagiging madali na ang sistema ayon sa MHO

SORSOGON CITY – Nagpahayag ang Donsol Municipal Health Office, na kumpara sa mga nakalipas na buwan mula nang simulan ang vaccination roll-out, ‘di hamak na mas maganda na ngayon ang sistema ng pagbabakuna.

Ayon pa dito, mas mabilis ang pagbabakuna nila na umaabot ng lagpas 100 kada araw kumpara sa mga nagdaang buwan na mayrooon pang pilitang nangyayari at marami ang mga nagbaback-out sa mismong oras ng pagbabakuna.

Marahil aniya, naging dahilan ang dami ng bilang ng mga nababakunahan sa bansa at mga positibong reviews sa mga bakuna kumpara noon na puro negatibo ang naririnig patungkol sa mga brand ng vaccines.

Dagdag pa nito, kung magtutuloy-tuloy lang ang pagdating ng bakuna sa lalawigan, tiyak na mas maagang makababalik sa normal ang lahat.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 50,000 ang nababakunahan sa buong lalawigan ng Sorsogon na kinabibilangan ng A1 hanggang A3 catergory.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *