Vaccination roll-out sa ilang bayan sa Camarines Sur, halos tatlong linggo nang nakatengga

NAGA CITY—Nakatengga ngayon ang vaccination roll-out ng ilang LGU sa Camarines Sur matapos ang halos tatlong linggo ng walang supply ng bakuna mula sa National Government.

Tulad ng Goa at Calabanga na natigil ang bakunahan dahil sa ubos na ang supply na ibinababa ng Gobyerno.

Ayon kay Dr. Diosdado Fuentebella, Goa Municipal Health Officer, maaaring maraming tao na nooy nagdadalawang isip pa na magpabakuna ang marahil sa ngayon ay magdesisyon na hindi na magpabakuna pa dahil sa matagal na pag-resume ng bakunahan gawa ng kakapusan sa supply.

Inihalimbawa naman ni Calabanga Mayor Ed Severo sa isang sunog ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng mga ibinababang supply ng bakuna.

Aniya, kung ikukumpara sa sunog; kung ang nasusunog na bahay o gusali ay binobombahan ng tubig, dapat din aniya ang mga kalapit bahay nito ay buhusan rin ng tubig para hindi na kumalat pa at maapula ang apoy.

Batay sa COVID-19 vaccine distribution, ang Bicol region ay ang pumapangalawa sa pinakahuli o panglabing pito sa halos 18 rehiyon sa bansa na maraming nababakunahan kung saan ang NCR ang nangunguna dahil umano sa mas maraming supply na inilalaan ng Pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *