Vaccination sa mga kabataan edad 12-17 anyos umarangkada na!

Umarangkada na ang vaccination ng mga bata na edad 12-17 na may comorbidities laban sa COVID-19 ngayong araw.

Sinimulan ang bakunahan sa pamamagitan ng ceremonial vaccination sa Philippine General Hospital alas-nuebe ng umaga kung saan nagsilbi itong hudyat na umpisa na ang pagbabakuna sa mga kabataan.

Target ng PGH na makapag-bakuna ng 300 pasyente ngayong araw.

Kasama sa mga natukoy na ospital ng Department of Health para sa pilot implementaion ng programa ay ang National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City General Hospital, Fe Del Mundo Medical Center, at Makati Medical Center.

Pagkatapos ng dalawang linggo ay palalawakin ng gobyerno ang vaccination ng kabataan sa iba pang mga lugar at rehiyon.

Sa ngayon, tanging ang US-made COVID-19 vaccines ng mga kompanyang Pfizer at Moderna lamang ang aprubado na magamit sa mga menor-de-edad ng Food and Drug Administration ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *