Vaccine hesitancy, hindi pa rin nawawala sa senior citizens – Galvez

Inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na meron pa rin vaccine hesitancy ang mga tao na 60-anyos pataas pagdating sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Galvez sa isang taped briefing na ang average na bilang ng first dose na itinuturok sa senior citizens ay hindi pa rin tumataas sa kabila ng pagiging prayoridad ng mga ito ng gobyerno mula nang magsimula ang vaccinatrion drive noong March 1.

Ipinunto ni Galvez na dati ay nasa 2-million ang average ng mga nabibigyan ng first dose, ngunit ngayon ay hindi na ito umaangat.

Samantala, sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mananatiling focused ang LGUs sa pagpapabakuna ng senior citizens sa gitna ng enhanced community quarantine na ipatutupad sa National Capital Region mula August 6-20.

Nitong August 1, ay umabot na sa mahigit 9.1-million na indibidwal ang nababakunahan kontra COVID-19.

Mababatid na kailangan ng bansa na mabakunahan ang hanggang 70-million na Pilipino para makamit ang herd immunity laban sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *