Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development si Valenzuela City First District Representative Rex Gatchalian.
Ayon sa Presidential Communications Office, nanumpa sa Gatchalian kay Pangulong Marcos.
Papalitan ni Gatchalian ang posisyon ng DSWD na hawak ni officer-in-charge Undersecretary Edu Punay sa loob ng mahigit isang buwan.

Sa isang Twitter post, tiniyak ni Gatchalian na sa kabila ng kanyang pagtatalaga bilang pinuno ng DSWD, magpapatuloy ang mga serbisyo sa kanyang tanggapan. Isang caretaker aniya ang itatalaga sa kanyang nabakanteng posisyon sa House of Representatives.
Pinasalamatan din niya ang Pangulo sa pagbibigay ng pagkakataon na maglingkod sa buong bansa.
Bago nahalal bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Valenzuela, si Gatchalian ay nagsilbi rin bilang alkalde ng lungsod mula 2013 hanggang 2022.//CA