Vanessa Raval, tinawag na fake news ang balitang hindi siya anak ni Jeric

Nilinaw ng social media influencer na si Vanessa Raval na “fake news” ang balitang hindi siya totoong anak ng action star na si Jeric Raval.

Ayon kay Vanessa, kailanman ay hindi siya itinanggi ng amang si Jeric.

Mungkahi nito sa mga netizens, na panoorin ang naging interview sa kanyang tatay ni Ogie Diaz.

Matatandaan na noong July 27, 2022, nang maging laman sa social media ang sunud-sunod na posts ni Vanessa, kasama ang screenshots ng usapan umano nila ng aniya’y “sikat na panget na lalaking rapper” na ayaw raw siyang tigilan at panay ang pagchat at panlalandi sa kanya.

Dahil dito, nadawit ang pangalan ng singer-rapper na si Skusta Clee, na siyang hinihinala ng netizens na tinutukoy ni Vanessa, pero sa pamamagitan ng TikTok, pinangalanan ni Vanessa na ang rapper na tinutukoy niya ay si Miguelito o mas kilala bilang Haring Manggi.

Pero kalauna’y binawi ito ni Vanessa at inaming “scripted at naka plano” ang lahat ng kanyang naging pahayag kamakailan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *