Vanessa Sarno, nakasungkit ng dalawang gold medals sa Asian Weightlifting Championships

Dinomina ng Filipina weightlifter na si Vanessa Sarno ang women’s 71-kg category sa Asian Weightlifting Championships na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.

Nasungkit ni Sarno ang gintong medalya para sa event matapos nitong makapagbuhat ng kabuoang 229 kilograms.

Nasa ikalawang pwesto naman ang Turkmenistan na si Gulnabat Kadyrova kung saan ay nagawa niyang makapagbuhat ng 223 kg habang nasa ikatlong pwesto naman si Yekaterina Bykova sa kanyang 213 kg.

Nagkamit muli si Sarno ng isa pang gold medal matapos nitong manguna sa clean and jerk sa na-lift niya na 128 kg.

Napasakamay rin ni Sarno ang silver medal para sa kanyang 101 kg lift sa snatch, na hindi naman nalalayo sa 102 kg ni Gulnabat.

Kung susumain, ay naiuwi ng Philippines ang dalawang gold medals, anim na silver medals, at isang bronze mula sa

Una nang nasungkit ni Elreen Ando ang dalawang silvers at isang bronze habang si Mary Flor Diaz naman ay nagkamit ng tatlong silvers.

Hindi naman pinalad ang Olympian na si Hidilyn Diaz sa 55-kg event, ngunit dahil sa pagsali niya sa naturang torneyo, ay opisyal na siyang nag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *