VAT Exemption sa kuryente, isinusulong

Binigyang-diin ni Senator Francis “Chiz” Escudero na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng value-added tax (VAT) exemption sa kuryente sa pag-abat ng inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kaugnay nito, inihain sa Senado ni Escudero ang Senate Bill No. 2301 na may layuning itigil ang pagpapataw ng value-added tax (VAT) sa konsumo ng kuryente.

Pagpapaliwanag niya, kung dadagdagan pa ng VAT ang mataas na konsumo ng bansa kumpara sa iba ay makapagdadala na ito ng mataas na operating cost sa mga negosyo at industriya.

Kasama naman sa maari nitong maapektuhan ang mga manufacturing business na magdudulot ng pagtaas ng mga presyo sa mga pangunahing produkto.

Ayon pa kay Escudero, ang pag-alis ng VAT sa kuryente ay makapagpapaataas din ng economic activity at konsumo ng mga produkto kung saan kumukuha ang gobyerno ng buwis.

Kung maaalala, nauna nang naghain ng panukalang batas si Senadora Grace Poe na naglalayong tanggalan ng VAT ang generation, transmission at distribution ng kuryente upang makatipid ng mahigit P6,936 kada taon ang mga residential consumers.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *