Vergeire, dinepensahan ang HTAC sa 31 million doses ng bakuna na nag-expire

Dumipensa si Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa bilyong halaga ng nga bakunang na-expire matapos hindi maiturok sa publiko.

Matatandaang nabatikos ang Kagawaran matapos masayang ang 31Million doses ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Vergeire, hindi lang naman Pilipinas ang mayroong mataas na vaccine wastage lalo na’t nagkumahog din talaga ang buong mundo noong kailangang-kailangan ng mga bakuna.

Hindi rin umano dapat direktang sisihin Health Technology Assessment Council o HTAC sa pagkasira ng mga bakuna.

Kasunod ito ng naging pahayag ni dating health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin na may pagkukulang sa panig ng HTAC.

Sa kabuoan, aabot sa 24 million na doses ng bakuna ang nag-expire, habang 7 million doses naman ang nasira dahil sa ibang mga dahilan gaya ng improper storage, sirang vials, o kaya nama’y nawasak dahil sa mga kalamidad.
#

RELATED STORY:

HTAC, may pananagutan sa expired 31M vaccine doses – ex SOH Rep. Garin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *