Vergeire: naisng IATF na magkaroon ng COVID-19 risk communication tool sa alert level system

Isinusulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang alert level system na gagamitin sa risk communication tool at hindi na identifier kung anung restrictions ang dapat ipatupad sa partikular na lugar sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nagreconvene na ang IATF para talakayin ang decoupling ng mga restrictions mula sa alert levels.

Dagdag ni Vergeire na batay sa mga sagot sa ginawang survey sa mga local governments, may ilang mga rekomendasyon ang naihayag sa IATF, pero hindi pa umano ito maibabahagi sa publiko, dahil kailangan pa nila itong ipadala para sa ad referendum upang matukoy kung pabor ang lahat ng mga miyembro.

Matatandaan na noong nakaraang, sinabi ng Malacañang na plano ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng reclassification ng restrictions na mas compatible sa kasalukuyang milder strains ng coronavirus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *