Vergeire tiniyak ang integridad sa DOH matapos tawagin bilang “authoritarian ruler”

Tiniyak ni Department of Health Undersecretary at Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na siya ay mamumuno sa ahensya nang may “integridad” sa gitna ng mga isyu tungkol sa kanyang pamamahala sa DOH.

Sa isang press briefing ,  sinabi ni Vergeire na patuloy niyang ipatutupad ang mga mandato ng ahensya sa mahusay at naaangkop na paraan.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag bilang tugon sa umiikot na liham na tila naka-address kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na naglalarawan sa kanya bilang isang “authoritarian ruler.”

Sinabi rin sa liham na siya ay naglilipat ng mga opisina, empleyado at mga tungkulin nang walang anumang konsultasyon o pahintulot ng mga empleyado.

Ayon kay Vergeire, huling beses niya na ntong sasagutin at pagtuuunan ng pansin at hindi umano niya hahayaang maka apekto ito sa kanyang tungkuling sa kagawaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *