Veteran radio broadcaster patay sa riding-in-tandem

Sumisigaw ngayon ng hustisya ang mga kaanak ng veteran radio broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid matapos itong tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek Lunes ng gabi.

Sa paunang imbestigasyon ng Las Piñas City Police binaril ng riding in tandem si Lapid habang nasa sa loob ng kanyang sasakyan sa gate ng isang subdivision sa Barangay Talon Dos.

Read More:  ICC cancels July 14 status conference in Duterte crimes against humanity case

Si Lapid ay host ng isang radio news commentary program sa DWBL 1242 na tinatawag na Lapid Fire kung saan nagbibigay siya ng mga kritisismo sa mga nakikitang pang-aabuso at iregularidad ng gobyerno.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Isa siya sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyong Marcos at ng administrasyong Duterte.

Huling itong nagprograma noong September 30 kung saan isa sa mga tinalakay niya ang red-tagging isyu ng NTF-ELCAC.