Vhong Navarro, hindi nagpasok ng plea sa kasong rape

Hindi nagpasok ng plea si Vhong Navarro para sa kasong rape, matapos ang ginawang pagbasa ng sakdal sa Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court.

Dahil dito, korte na ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para kay Navarro

Si Vhong ay virtual na dumalo at kasalukuyang nakadetine sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility.

Samantala, bukas, (Huwebes), sisimulan na ang pagdinig sa petisyon ni Vhong na payagan siyang makapagpiyansa sa kasong rape, at maari ring virtual ito na dumalo sa mga paglilitis.

Sa ngayon, wala pa ring commitment order mula sa korte kung saan dapat makulong si Navarro, sa kabila ng hiling ng kampo ni Deniece na dapat ikulong ito sa Taguig City Jail.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *