Vhong Navarro, ililipat sa Taguig City Jail

Nakatakdang ilipat si Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Ito ay sa ilalim ng commitment order na inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, nang hilingin ng kampo ni Deniece Cornejo na mailipat si Vhong sa naturang pasilidad.

Mababatid na si Navarro ay kasalukuyang nakadetene sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center.

Sa gitna nito, isasailalim muna ang aktor sa health protocol requirements.

Matatandaan na inaakusahan si Navarro ng panggagahasa kay Cornejo sa pamamagitan ng “force, threat, at intimidation” noong January 2014, bagay na itinanggi ng naturang host ang alegasyon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *