Vhong Navarro, sumuko na sa NBI

Naniniwala ang kampo ng actor-comedian-host na si Vhong Navaroo na ‘premature’ ang inisyung arrest warrant laban sa kanya.

Ngayong umaga, inilabas ng Taguig Metropolitan Court ang warrant of arrest laban kay Navarro para sa mga reklamong acts of lasciviousness na inihain ni Deniece Cornejo.

Ayon sa abugado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga, hindi dapat inialbas ng Korte ang arrest warrant dahil hindi pa rin tapos ang final disposition ng Court of Appeals.

Aniya, mayroon pang pending na motion for reconsideration sa Court of Appeals kaya hindi dapat ipa-aresto ang comedian-host.

Nanindigan si Mallonga na walang basehan ang mga kasong inihain laban kay Navarro at mababasura rin ang reklamo.

Sa ngayon, susunod na muna sila sa order ng Korte at sumuko na rin si Navarro sa National Bureau of Investigation.

P36,000 ang inirekumendang piyansa para sa mga reklamo laban kay Navarro.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *