Vice Ganda, tiniyak sa mga fans ni Vhong Navarro na babalik ito sa noontime variety show

Tiniyak ni Vice Ganda sa mga fans ni Vhong Navarro na babalik ang kanyang cohost sa noontime variety show na it’s showtime.

Gayunpaman, sinabi ni Vice, na ang manager ni Navarro ang nasa pinakamagandang posisyon para sagutin ang mga tanong kung kailan siya babalik sa show.

Pero sabi niya na dapat hayaan muna ang actor-comedian na magpahinga at makasama ang kanyang pamilya.

Nagsalita si Vice Ganda tungkol dito pagkatapos nilang ikwento ni Anne Curtis ang isang card game na nilaro nila ni Navarro sa isang episode ng showtime noong Sabado.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *