VP-elect Duterte, naghain nang SOCE; P216M, nagasta sa kampanya

Isang araw bago ang deadline ng Commission on Elections – pormal nang naghain ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE si Vice President-elect Sara Duterte.

Ayon sa kanyang SOCE, aabpt sa P216Million ang idineklarang nagastos ni Duterte sa kanyang pangangampanya.

Nakasaad dito na karamihan sa pondong ginamit ni Duterte para sa kanyang vice-presidential bid ay nagmula sa kanyang partido.

Hindi rin ito nakatanggap ng cash donations, bagkus ay mga in-kind contributions lamang mula sa partido at ‘iba pang mga sources’.

Sa higit P216Milliong nagastos ni Duterte – higit P161Million dito ay nagmula sa Lakas-CMD party; habang halos P80Million ay idineklarang galing sa ‘other sources’.

Naubos din ni Duterte ang kanyang pondo at walang idineklarang natira mula sa mga donasyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *