Vicki Belo hindi natinag sa lamig sa Japan matapos ibandera ang sexy body na nakasuot ng swimsuit sa edad na 66

Hindi natinag sa lamig sa Japan ang celebrity doctor na si Vicki Belo matapos ibandera ang kanyang sexy body na naka suot ng swimsuit sa edad na 66.

Sa kanyang instagram account, buong tapang na inirampa ni Vicki ang kanyang katawan bilang pakiiisa sa selebrasyon ngayong taon ng International Women’s Day.

Kalakip nga nito ang kanyang photo suot ang OOTD niyang floral swimsuit na kuha sa “snowy Japan.” Tinernuhan niya ito ng bonggang boots at black sunglasses.

Ipinagsigawan din ng Dra. Belo sa lahat ng kababaihan na maging proud and comfortable sa kanilang itsura at katawan anuman ang hugis nito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *