Binigyang-diin ni Senador Joel Villanueva na kumbinsido siyang dapat mabigyan ng tatlong daang milyong pisong confidential funds ang Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ito ay matapos ang naging executive session niya kasama ang mga opisyales ng nasabing ahensya.
Ayon kay Villanueva, ‘rampant’ na ang kaso ng cybercrime kung kaya’t kailangang mas paigtingin ang cybersecurity measures sa bansa.
Kaugnay nito, tiniyak niyang ipaglalaban niya ang hiling na confidential funds ng DICT.
Maaalala, binanggit kahapon ng House Committee on Appropriations na isa ang DICT sa mga ahensyang hindi makatatanggap ng confidential funds tulad ng Department of Education (DepEd), Department of Agriculture (DA), at Department of Foreign Affairs (DFA).