Villanueva, naka isolate na matapos magpositibo sa Covid-19

Muling nagpositibo sa Covid-19 si Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Sa isang facebook post , ipinaalam ni Villanueva ang pagpositibo sa Covid sa ikatlong pagkakaton.

Nagsimula umanong sumama ang kanyang pakiramdam noong Huwebes na inakala niyang dahil lamang sa injury sa kanyang tuhod.

Kanina nang sumailalim sa antigen test ang Senador dahil sa fever-like symptoms at lumabas na positibo siya sa Covid-19.

Ayon sa mambabatas, sa bahay at Senado lamang ang kanyang naging aktibidad nitong nakaraang linggo. Naka isolate na rin aniya siya habang hinihintay ang resulta ng kanyang RT-PCR test.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *