Villanuevas sa Kongreso, gumawa ng magkatulad na parliamentary tactics para i-delay ang SOGIE Equality Bill

Ang father-and-son duo na sina CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva at Senate Majority Joel Villanueva ay gumawa ng magkatulad na parliamentary tactics upang maantala ang mga panukalang naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon batay sa sexual orientation, gender identity and expression o SOGIE.

Sa suporta ng 18 senador na kumbinsido sa pamamagitan ng barrage of letters mula sa mga evangelical groups na hindi nabigyan ng sapat na panahon para maipalabas ang kanilang mga pananaw sa panukala, kumilos si Villanueva na ipadala ang SOGIE bill sa makapangyarihang rules committee, na kanyang pinamumunuan.

Nangangahulugan ito na ang panukala, na dapat ay tatalakayin na sa Senate plenary ay babalik sa antas ng komite. Ang rules committee ang nagko-kontrol kung saan nire-refer ang mga panukala at nagtatakda ng agenda para sa sesyon ng Senado.

Samnatala, paulit-ulit na binanggit ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na makakuha ng katiyakan kay Sen. Villanueva na hindi maglalaho sa rules committee ang SOGIE Equality bill.

Samatala, sinubukan naman ipatigil ni Villanueva ang pagdinig sa walong panukala sa Kamara dahil sa issue ng forum shopping. Sinabi ni Villanueva, na ang pagdinig ay lumabag sa house rules dahil napag-usapan na ng House Committee on Human Rights ang mga panukalang batas na may katulad na mga probisyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *