Villar: palalakasin ng 35 investment deals sa Japan ang infras projects at trabaho sa bansa

Pinuri ni Senator Mark Villar si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa paglagda sa 35 investment deals sa Japan sa state visit sa naturang bansa.

Kaugnay nito, naniniwala si Villar na ang naturang trade agreements ay laloong magpapalakas sa bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa senador, na chairman ng Senate Committee on Banks, na ang kasunduan ay kinabibilangan ng parehong government to government at business to business agreements na may kinalaman sa infrastructure, agriculture, transportation at manufacturing.

Binigyang diin din nito, na naghire ang Japanese companies ng halos 300,000 na mga overseas Filipino workers (OFWs) sa buong multiple sectors, pero hindi pa kasama dito ang mga kompaniya na expanded ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *