Vintage bomb, natagpuan sa ipinapatayong bahay sa Sorsogon

Natagpuan ang isang antigong bomba, tanghali noong Araw ng mga Santo sa construction site ng isang bahay sa Pado Compound Purok 5, Divina St., Brgy Talisay, Sorsogon City

Ayon sa ulat ng Pulisya, isang opisyal ng barangay ang tumawag sa kanilang himpilan at nagsabing may natagpuang vintage bomb sa nasabing lugar.

Agad na rumesponde ang ilang personahe ng Sorsogon City PNP sa pangunguna ng Provincial Explosive Ordnance Division and Canine Unit (PECU).

Mabilis na kinordon ang nasabing lugar at kinuha ang vintage bomb na ngayon ay nasa pag-iingat na ng mga awtoridad.

Ayon sa mga saksi na pawang mga manggagawa, naghuhukay umano sila ng lupa nang matagpuan nila ang isang bagay na mukhang antigong bomba kung kaya’t agad na ipinaalam nila ito sa kanilang barangay officials na siya namang nagreport sa mga awtoridad.

Inihahanda na ng PECU ang disposal procedure sa nasabing antigong bomba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *