VIP bill na layuning mas maging handa ang PH sa future health crises, inihain ni Go

Naghain si Senator Christopher “Bong” Go ng panukala na layung magtatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) sa gitna ng panawagan nito ng mas proactive approach sa pagtugon sa mga pandemya sa hinaharap.

Ayon kay Go, ang naturang hakbang ay para mapigilan ang kaparehong sitwasyon kung saan ang mga mahihirap na bansa ay napag-iiwanan ng mas kaunting medical resources, gaya ng bakuna at iba pang essential drugs para matugunan ang pandemya, kumpara umano sa mas developed countries na maagang nag-invest sa health sciences at medical research.

Ang Senate Bill No. 2155, o ang “Virology Science and Technology Institute of the Philippines Act of 2021”, na nagtatag sa VIP ay magsisilbing principal laboratory sa bansa sa pagbibigay ng virology laboratory investigations, researches, at technical coordination sa buong network ng virology laboratories sa buong bansa.

Giit ng senador, ang kasalukuyang viral outbreaks ay napigilan sana o na-handle ng mas maayos kung mayroong national virology laboratory ang bansa na siyang magsasagawa ng mga pag-aaral kaugnay sa viral diseases sa tao, tanim at hayop.

“Understanding the genetic changes in viral genome is a prerequisite for a strong public health response to emerging, re-emerging and existing viral diseases,” saad ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *