Virtual exhibit ng Isabela Tourism Office at museum and library, tampok ngayong araw ng kalayaan

Tampok ngayong araw sa pagdiriwang ng ika-123rd na anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas ang   virtual exhibit ng Isabela Tourism Office at Museum and Library.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayankay Isabela Tourism Officer Dr. Alexander Troy Miano, ang naturang virtual exhibit ay mapapanood sa kanilang FB page at makikita ang pagwagayway nito sa Philippine Flag.

Sa pamamagitan nito aniya ay umaasa siyang mahimok at mahikayat ang mga kababayan na maramdaman ang kanilang pagkamamayang Pilipino.

Aniya, dahil sinusunod pa rin ang ipinapatupad ng pamahalaan na pagbabawal sa mass gatherings ay naging simple ang pagdaraos nito kung saan nagkaroon lamang ng flag rites sa mga bawat lokal na pamahalaan maging ang Pamahalaang Panlalawigan.

Panawagan naman ni Tourism Officer Miano sa publiko na makiisa sa ginagawang pagdiriwang ngayong araw ng Kasarinlan sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa minimum health standards upang maipababa ang COVID-19 cases sa lalawigan.

Hinimok din niya ang mga mamamayan na kabilang sa priority list na magpabakuna para dagdag proteksyon laban sa nagpapatuloy na laban kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *