Vlogger at influencer  muling pinaalalahanan ng BIR na magparehistro

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan muli ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga vlogger at influencer sa Camarines Norte na magparehistro sa Revenue District Office No 64.

Wala pa kasing lima ang nagpaparehistro sa lalawigan sa kabila ng naunang paalala ng ahensiya.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Revenue District Officer Felix Roy na ang polisiya sa pagrehistro ng mga vlogger at influencer ay hindi lang tungkol sa paghabol sa buwis kundi mayroon din umano itong advantage.

Paliwanag ni Roy na kung rehistrado ang isang vlogger at influencer sa BIR ay may pagkakataon pa nga itong kumita ng mas malaki dahil pwedeng kunin ang kanilang serbisyo ng malalaking korporasyon.

Naging negatibo lang daw kasi ang dating dahil ang iniisip agad ay bubuwisan ang mga ito.

Aniya hindi pagbabayarin ng buwis ang mga vlogger at influencer na maliit lang ang kita basta ang importante ay magparehistro.

“Nagkaroon ng impression doon na lahat ng vlogger ay magkakaroon ng tax pero kino- correct namin yan na ang unang- unang gawin ng vlogger is magparegister, iparehistro muna para yung business mo ay kung ano yun, makakatulong din sayo yan kasi halimbawa ordinaryong vlogger ka lang eh gusto kong i- hire yung serbisyo mo, big time ako na korporasyon, gagawin kitang kasi nagustuhan ko yung vlog mo big time ako, paano kita kukunin kung hindi ka nakarehistro sa BIR kasi yung ibabayad ko sayo hindi mo ako maisyuhan ng resibo, hindi ko naman yun mai- deduct sa aking business so magkakaroon sila ngayon ng disadvantage,” ani Roy.

Aniya, exempted sa buwis ang mga vlogger at influncer na malliit lang ang knikita o hindi pa umaabot sa P250, 000 kada taon.

Kung lumagpas naman sa naturang halaga ang bubuwisan lang ay yung sumobra sa kinita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *