Volleyball team mula Odiongan, Romblon lalaban para sa nalalapit na palarong Pambansa 2024!

Handang handa na ang volleyball team na mula sa Odiongan North Central Elementary School, para sa pinaka inaabangang Palarong Pambansa 2024.

Sila ay sina Yuki Yuan Valencia, Franz Daniel Francisco, Jake Fajarito, Chris Allen Malvar, Prince Gallo MariƱas, Kyle Russe De Juan, Ron Javan Relos, Gelo Forcadas, Austin Job Suyat, James Lourence Fegurasin at Mark Jayson Dalisay.

Sa panayam ng Brigada Batangas sa coach ng team na si Mr. Dalisay, sinabi nito na sobrang pinaghandaan nila ang laban para sa Palarong Pambansa at simula lower meet pa lamang ay puspusan na ang kanilang ginawang pag-eensayo.

Aniya pa, hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga bata dahil minsan ay mayroong na-i-injured sa mga ito at kulang din sila sa pondo para sa transportasyon dahil ang ilan sa mga ito ay mula pa sa malalayong lugar.

Ayon pa kay coach Dalisay, isang karangalan na para sa kanila ang mairepresenta ang kanilang paaralan at maipakita ang galing ng mga bata. Sa ngayon ay nakarating na ang mga batang manlalaro sa Cebu para sa kanilang laban at doon ay susubukan nilang iuwi ang inaasam na gintong medalya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *