Voluntary lang ang pagsusuot ng facemasks sa Puerto Princesa, ayon sa City Government

Pinawi ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang pangamba at agam-agam ng ilan sa umano’y pagpapatupad muli ng Mandatory wearing ng facemask sa lungsod.

Ayon kay City Administrator Atty. Arnel Pedrosa, kasalukuyang nasa COVID-19 alert level 1 status ang Puerto Princesa at ibang probinsya sa bansa.

Nilinaw ni Pedrosa na sa ilalim ng status na ito, “voluntary” at hindi mandatory ang pagsusuot ng facemask sa lungsod lalo sa labas ng mga establisyemento maliban sa mga health facilities.

Gayunman, ang kasalukuyang alert level status na inaprobahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay epektibo hanggang April 30, 2023

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *